Mabuhay ka, Fr. Honti!
Padre Eduardo Hontiveros, S.J.
(20 Disyembre 1923 – 15 Enero 2008)
Ama ng Musika ng Liturhiyang Filipino
(20 Disyembre 1923 – 15 Enero 2008)
Ama ng Musika ng Liturhiyang Filipino
Ipinanganak si Fr. Honti (karaniwang taguri sa kanya) noong Disyembre 20, 1923, sa Molo, Iloilo City. Isa sa walong supling nina Jose Hontiveros at Vicenta Pardo.
Nag-aral siya sa Capiz Elementary School at sa Ateneo de Manila sa Padre Faura pa noon sa Manila bago ang digmaan. Pumasok siya sa Seminaryo ng San Jose noong 1939. Noong 1845, matapos ang digmaan, tinanggap ang buhay bilang kasapi ng Kapisanan ni Hesus (mga Heswita), at noong 1947, sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches, Quezon City, una siyang nanumpa ng panghabambuhay na karalitaan, kalinisan, at pagtalima sa loob ng Kapisanan. Habang nagsasanay sa buhay pagpapari, naatasan siya sa Ateneo de Zamboanga upang magturo ng religion, Latin at Ingles, at pinamahala ng Choir String Band ng paaralan. Noong 1951, tumungo siya sa Estados Unidos upang mag-aral ng Teolohiya, doon na rin siya inordinahan bilang pari ni Kardinal Francis Spellman. Matapos ang kanyang doktorado sa teolohiya sa Gregorian University sa Roma noong 1958, nakabalik sa wakas si Fr. Honti sa Pilipinas. Dito na rin niya ipinahayag ang huling panunumpa (final vows) sa loob ng Kapisanan.
Mahabang panahon ang ginugol ni Fr. Honti bilang propesor ng teolohiya at guro sa seminaryo ng mga Heswita at maging sa Seminaryo ng San Jose kung saan naglingkod rin siya bilang Rektor. Naging Dekano rin siya ng Loyola School of Theology. Sa loob ng tatlumpung taon, naging ama si Fr. Honti ng napakaraming Heswita at mga Josefino (mga seminarista sa San Jose).
Ngunit ang pinakamalaking ambag ni Fr. Honti sa Diyos at sa bayan ay ang kanyang natatanging musika. Noong 1965, kung kailan isinaad ng Second Vatican Council na ipisan sa liturhiya ang kultura ng mga taong nagbubunyi nito, si Fr. Honti ay lumilikha na ng mga kantang pang-Misa sa wikang Tagalog. Hinimok niya ang mga korong pansimbahan sa Barangka, Marikina, at Pansol, sa Quezon City, na malalapit sa bagong kampus ng Ateneo noon, na awitin ang kanyang mga nalikhang kanta. Mapilit si Fr. Honti, handa siyang aregluhing muli ang musika ng kanyang mga kanta kapag nahihirapan ang mga umaawit na awitin ang alin man sa mga ito. Kaya’t hindi rin naglaon, nakalikha si Fr. Honti ng kumpletong koleksiyon ng mga awiting pang-Misa. Doon nagsimula ang kanyang buhay bilang tagalikha ng mga awiting pangliturhiyang malapit sa ating mga Pilipino. Ang kanyang mga awit ay lumaganap sa iba’t ibang panig ng bansa. Noong dekada 70, dinagdagan pa ng umaalab na bugso ng nasyonalismo, ang kanyang mga awitin ay naging awiting pambayan sa mga Misa, pagtitipon, pagdarasal at iba pa.
Hindi tanyag ang kanyang pangalan, ngunit tiyak, ang kanyang musika ay kilala ng lahat. Hindi lamang siya ang Pilipinong sumubok na isa-Pilipino ang banal na musika noong dekada 60, ngunit siya ang pinakamaraming nalikha, at pinaka-matagumpay sa pagkilos na ilapit sa puso ng sambayanan ang pagsambang datirati’y nasa wikang banyaga na mahirap unawain. Sa loob ng dalawampung taon, mahigit isandaang awitin ang nalikha ni Fr. Honti, marami sa mga ito’y may kalakip na kuwento ng mga karaniwang tao. Dahil din kay Fr. Honti at sa pagmamahal niya sa musikang panliturhiyang Pilipino, kaya’t nagkaroon ng mga kompositor na nagpatuloy ng kanyang adhikain, tulad nina Fr. Nemesio Que, Fr. Fruto Ramirez, Fr. Manoling Francisco, Fr. Arnel Aquino, at Fr. Jboy Gonzales.
Tunay ngang karapat-dapat na tawagin si Fr. Honti bilang ‘Ama ng Musika ng Liturhiyang Pilipino.’
Nananatiling buhay ang sinimulan ni Fr. Honti sa musika ng Simbahan sa Pilipinas. Hanggang sa ngayon, ang bawat simbahan sa ating bayan ay pinupuno pa rin ng nagkakaisang tinig sa pag-awit ng kanyang “Pananagutan,” “Luwalhati,” “Santo,” “Kordero ng Diyos,” “Ang Puso Ko’y Nagpupuri,” at marami pang ibang awiting naging buhay na pagpapahayag ng pananampalatayang Pilipino.
Matagal na nang unang ma-stroke si Fr. Honti, matagal na ring hindi siya nakakalikha ng mga awitin, ngunit, ayon nga sa Ama ng Pilosopiyang Pilipino na si Fr. Roque Ferriols, “hindi kailanman naglaho ang ngiti sa mga labi ni Fr. Honti.” Ang kanyang musika na pagtatanaw lamang niya ng kabutihan at pagmamahal ng Panginoon, sa maraming panahon, naging mga mumunting bukal nating ng saya; naging daluyan ng ginhawa, at sa pamamagitan ng mga ito nadama rin natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
Paalam, Fr. Honti! Mabuhay ka!

Comments